𝐁𝐚𝐬𝐢𝐜 𝐋𝐢𝐟𝐞 𝐒𝐮𝐩𝐩𝐨𝐫𝐭 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐫𝐚 #𝐋𝐑𝐓𝐀𝐥𝐞𝐫𝐭!

Alam mo ba? Mahigit 70% ng kaso ng cardiac arrest ay hindi sa ospital nangyayari kung hindi sa bahay o pampublikong lugar. Kaya mahalaga ang 𝐁𝐚𝐬𝐢𝐜 𝐋𝐢𝐟𝐞 𝐒𝐮𝐩𝐩𝐨𝐫𝐭 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 at tamang pagresponde sa emergencies. Sa oras ng pangangailangan, ang mabilis at tamang aksyon ng isang ordinaryong tao ang maaaring magligtas ng buhay.

Bilang bahagi ng pagiging #LRTAlert, nagsagawa ang Light Rail Transit Authority (LRTA), katuwang ang Pasig City Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO), ng Basic Life Support Training para sa mga kawani.

Layon ng pagsasanay na bigyan ang mga empleyado ng mahahalagang kaalaman at kasanayan sa pagtugon sa medical emergencies upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero at maging mga empleyado ng LRTA.

Natutuhan ng mga kawani ang tamang paraan ng pagresponde, pagbibigay ng Cardiopulmonary Resuscitation (CPR), at paggamit ng Automated External Defibrillator (AED). Tinalakay rin kung paano matutukoy ang isang emergency situation, makapagbigay ng agarang first aid, at iba pang Basic Life Support techniques.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *