Sa muling pag-𝗰omm𝘂𝘁𝗲 ni LRTA Administrator Cabrera noong Nobyembre 14, 2025, mula sa LRT Line 1 Pasay Depot, sumakay siya ng tricycle papuntang EDSA. Mula roon, gamit ang elevated walkway mula sa MRT3 naglakad patungo sa LRT Line 1 EDSA Station at tumuloy sa D. Jose Station. Pagdating sa D. Jose, naglakad muli siya sa elevated walkway papuntang LRT Line 2 Recto Station.
Habang nasa Recto Station, binisita na rin niya ang Passenger Assistance Office at sinuri ang pagpapalit ng mga air-conditioning units sa mga opisina ng istasyon, bilang bahagi ng pagpapatupad ng isang mas maayos at mas healthy na workplace para sa mga kawani.
Mula sa Recto Station, sumakay siya ng tren patungong Santolan Station upang bumalik sa kanyang opisina sa LRT Line 2 Santolan Depot.
Nakausap din ni Admin Cabrera ang ilang pasahero at personal na pinakinggan ang kanilang mga karanasan upang mas maunawaan at matukoy ang mga kinakailangang pang pagbutihin sa operasyon ng LRT Line 2 System
Alinsunod pa rin ito sa direktiba ni DOTr Acting Secretary Giovanni Lopez na hikayatin ang mga opisyal sa transport sector na sumakay ng pampublikong transportasyon.
Watch the clip here – https://www.facebook.com/share/v/1DG2HQ321Y/

