Matagumpay na naisagawa ang pamaskong handog na Medical and Dental Mission ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) katuwang ang Light Rail Transit Authority (LRTA) para sa mga pasahero ng LRT Line 2 sa Araneta-Center Cubao Station noong Disyembre 10, 2025.
Aabot sa 104 na pasahero ang nabigyan ng libreng medical consultation, blood pressure check, Electrocardiogram (ECG), at blood sugar test, habang 19 na pasahero naman ang nag-avail ng libreng tooth extraction.
Bukod dito, namahagi rin ang PCSO ng libreng gamot at vitamins para ating mga pasahero upang mapanatili ang kanilang kalusugan ngayong kapaskuhan.
โNagpapasalamat kami sa PCSO sa patuloy nitong pakikipagtulungan sa LRTA at sa kanilang suporta upang makapag hatid tayo ng mga programang tunay na nakakatulong sa kapakanan at kalusugan ng mga pasahero,โ ayon kay LRTA Administrator Hernando Cabrera.
Bahagi ito ng pangako ng LRTA na maghatid ng serbisyong may malasakit, ligtas, at tunay na makatao para sa lahat ng pasahero ng LRT Line 2.







