Noong 2005, binuksan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang Familiarization Tour para sa mga estudyanteng nais makaranas ng actual depot tour at train ride sa LRT Line 2. Layunin nito na mabigyan sila ng first hand exposure sa technical, mechanical, at operational aspects ng light rail system. Kabilang sa tour ay ang pagbisita ng mga estudyante sa Operations Control Center, Workshop, at Stabling Area.
Isa pa sa layunin ng programang ito, ay mapalalim ang kaalaman ng mga estudyante sa paghahanda ng mga tren na mahalaga para sa ligtas at maaasahang biyahe ng mga komyuter. Higit pa rito, pinahuhusay din nito ang kanilang pang-unawa sa kaligtasan, disiplina, at responsableng paggamit ng pampublikong transportasyon.
𝗡𝗼𝗼𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗸𝗮𝗿𝗮𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗼𝗻, 𝘂𝗺𝗮𝗯𝗼𝘁 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗯𝘂𝘂𝗮𝗻𝗴 3,745 𝗻𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗲𝘀𝘁𝘂𝗱𝘆𝗮𝗻𝘁𝗲 𝗺𝘂𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗶𝗯𝗮’𝘁 𝗶𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗮𝗿𝗮𝗹𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗶𝗻𝘀𝘁𝗶𝘁𝘂𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗸𝘁𝗶𝗯𝗼𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗸𝗶𝗹𝗮𝗵𝗼𝗸 𝘀𝗮 𝗙𝗮𝗺𝗶𝗹𝗶𝗮𝗿𝗶𝘇𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗧𝗼𝘂𝗿 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 𝗻𝗴 𝗟𝗥𝗧𝗔.
Patuloy ang LRTA sa pagbubukas ng mga programang tulad nito upang palawakin ang kaalaman ng kabataan at kanilang matutuhan ang responsableng paggamit ng pampublikong transportasyon.


