Lubos po ang ating pasasalamat sa lahat ng kawani ng Light Rail Transit Authority na naglaan ng kanilang oras at kagalingan para sa apat na araw na Holy Week Maintenance Activities ngayong taon.
Habang ang iba nating kababayan ay nasa bakasyon at kasama ang kani-kanilang pamilya, nagtrabaho ang mga kawani sa gitna ng mainit na panahon para sa pagsasaayos at preventive maintenance ng mga pasilidad, mga tren at equipment ng LRT-2 para masiguro ang kaligtasan at mas maginhawang biyahe ng mga pasahero.
Kami ay nagpapasalamat sa inyong sakripisyo at dedikasyon para tiyaking ligtas at maayos ang bawat biyahe sa LRT Line 2 System.
Muli maraming salamat at ipinagmamalaki kayo ng LRTA.

