“𝑨𝒏𝒈 𝒕𝒖𝒏𝒂𝒚 𝒏𝒂 𝒌𝒂𝒈𝒊𝒕𝒊𝒏𝒈𝒂𝒏 𝒂𝒚 𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒈-𝒂𝒂𝒍𝒂𝒚 𝒏𝒈 𝒔𝒂𝒓𝒊𝒍𝒊 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝒌𝒂𝒑𝒂𝒌𝒂𝒏𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏.”
Ngayong ika-84 na anibersaryo ng Araw ng Kagitingan, binibigyang-pugay natin ang mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay para sa kalayaan ng ating bansa, at kinikilala ang mga makabagong bayani na patuloy na naglilingkod nang may tapang, malasakit, at dedikasyon para sa sambayanang Pilipino.


