Saludo sa Bawat Manggagawang Pilipino

Binibigyang-pugay ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang bawat masisipag, matatag, at mapagkalingang manggagawang Pilipino ngayong Araw ng Paggawa, Mayo 01, 2026.

Sa bawat hakbang sa pasilyo, sa bawat busina at tunog ng makina, at sa bawat ngiti at titig na naglilingkod, naroroon ang inyong dedikasyon at pagmamahal sa tungkulin.

Ayon kay LRTA Administrator Hernando Cabrera ang bawat manggagawang Pilipino ang nagsisilbing haligi ng ating ekonomiya at pag-unlad, kaya nararapat lamang na kilalanin at pasalamatan ang kanilang walang kapantay na sakripisyo at dedikasyon.

“Kaisa ako ng bawat Pilipinong nagsusumikap at nagtatrabaho para sa kinabukasan ng ating bayan. Ang inyong sipag at determinasyon ang tunay na lakas ng ating lipunan. Maraming salamat sa inyong walang sawang paglilingkod,” ayon kay Administrator Cabrera.

Patuloy ang aming pagpupugay sa inyong ambag sa pag-unlad ng ating bansa. Nawa’y magsilbing inspirasyon ang Araw ng Paggawa upang lalo pang paigtingin ang malasakit, pagkakaisa, at dedikasyon sa bawat larangan ng serbisyo.

Mabuhay ang manggagawang Pilipino!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *