𝐀𝐍𝐓𝐀𝐘 𝐍𝐀 𝐊𝐀𝐑𝐀𝐏𝐀𝐓𝐀𝐍, 𝐏𝐀𝐍𝐓𝐀𝐘 𝐍𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐆𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐏𝐖𝐃.

Kaisa ang Light Rail Transit Authority (LRTA) sa pagkilala at pagsusulong sa mga karapatan ng persons with disabilities (PWDs) sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga programang nagtataguyod ng inklusibo at ligtas na pampublikong transportasyon.

Kaugnay ng pagdiriwang ng 𝟒𝟖𝐭𝐡 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐃𝐢𝐬𝐚𝐛𝐢𝐥𝐢𝐭𝐲 𝐑𝐢𝐠𝐡𝐭𝐬 𝐖𝐞𝐞𝐤, sa darating na Hulyo 17-23, 2026, sa pangunguna ng Department of Transportation (DOTr) at ng National Council on Disability Affairs (NCDA), muling pinagtitibay ng LRTA ang pangako nitong isulong ang pantay na oportunidad para sa lahat ng pasahero.

Sa temang “𝗥𝗶𝗴𝗵𝘁𝘀 𝗙𝗶𝗿𝘀𝘁, 𝗟𝗲𝗴𝗶𝘀𝗹𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗙𝗼𝗿𝘄𝗮𝗿𝗱 – 𝗦𝘁𝗿𝗮𝘁𝗲𝗴𝗶𝗰 𝗔𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗳𝗼𝗿 𝗘𝗾𝘂𝗮𝗹 𝗣𝗮𝗿𝘁𝗶𝗰𝗶𝗽𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 𝗜𝗻𝗰𝗹𝘂𝘀𝗶𝘃𝗲 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁,” binibigyang-diin nito ang kahalagahan ng pagpapatibay ng mga batas, polisiya, at programang nagtataguyod sa ganap at makabuluhang partisipasyon ng mga PWD sa lipunan.

Patuloy na nagsasagawa ang LRTA ng mga hakbang upang higit pang mapabuti ang accessibility ng mga istasyon, pasilidad, at serbisyo nito, bilang bahagi ng layunin nitong makapaghatid ng ligtas, maaasahan, at inklusibong pampublikong transportasyon para sa bawat Pilipino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *