Patuloy ang pagsasagawa ng annual maintenance activities ng LRTA ngayong araw, Abril 19, 2025.
Kaninang umaga, personal na ininspeksyon ni Administrator Hernando Cabrera ang mga istasyon ng LRT Line 1 mula EDSA hanggang Baclaran, kabilang ang connecting line patungong Pasay Depot, upang suriin ang mga maintenance works ng Light Rail Manila Corporation.
Samantala, nagpapatuloy din ang preventive maintenance, inspection, at general cleaning ng mga equipment at pasilidad ng LRT Line 2 system.





