Puspusan na ang isinasagawang epoxy injection maintenance sa mga poste ng LRT Line 2, partikular sa bandang EDSA Cubao at mula Recto hanggang Legarda.
Layon ng gawaing ito na mapanatili ang tibay at katatagan ng imprastraktura, at higit sa lahat, mapahaba ang serbisyo ng mga ito para sa mas ligtas na biyahe.
Target na matapos ang naturang aktibidad ngayong Abril 19, 2025.




