Mahigit 40,000 na pasahero ang naserbisyuhan ng libreng sakay sa LRT Line 2 bilang bahagi ng pagkilala sa ating kasarinlan sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan kahapon, Hunyo 12, 2025.
“Sa simpleng paraan na ito, naiparamdam namin sa bawat Pilipino ang halaga ng ating kalayaan. Ang libreng sakay ay hindi lamang serbisyo; ito rin ay isang pagkilala sa sakripisyo ng ating mga bayani at isang inspirasyon sa mga kababayang patuloy na lumalaban,” ayon kay LRTA Administrator Hernando Cabrera.
Ang libreng sakay na ito ay bilang pagtugon at pakikiisa sa kahilingan ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) upang bigyang-diin at parangalan ang makasaysayang Araw ng Kalayaan.
Isang ligtas at makahulugang biyahe para sa mga Pilipinong #PasaHero sa LRT-2.
