Pamilya Pass Update.

Bilang ng tumatangkilik sa Pamilya Pass Program sa LRT-2, mas tumaas pa!

Sa ikatlong linggo ng pagpapatupad ng Pamilya Pass 1+3 Promo, umabot na sa 6,525 ang bilang ng mga pamilyang nakinabang sa promo sa LRT Line 2, kung saan nasa 12,578 ang Pamilya Pass Coupons na naipamahagi.

Mas mataas ito kumpara sa noong June 08, kung saan 4,057 pamilya ang nag-avail ng Pamilya Pass at 8,127 ang nabigyan ng Pamilya Pass Coupons.

Ang Pamilya Pass 1+3 Promo ay inilunsad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na layong magkapagbigay ng mas abot-kayang pamasahe at mabigyan ng pagkakataon na magsama-sama ang bawat pamilyang Pilipino.

Ang Pamilya Pass 1+3 Promo ay magpapatuloy tuwing Linggo at magtatagal hanggang Hunyo 2028.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *