Dahil sa nagpapatuloy na malakas na pag-ulan, iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magpatupad ng libreng sakay sa MRT-3, LRT-1, at LRT-2, simula 12:00 ng tanghali ngayong araw, July 21.
Prayoridad ng Department of Transportation ang kaligtasan ng mga pasahero at tiyaking mabilis at ligtas silang makakauwi sa kanilang bahay, sa kabila ng malakas na pag-ulan at pagbaha sa ilang mga lugar sa Metro Manila.