𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍: Umabot sa 12,146 na pasahero ang nakinabang sa libreng sakay hatid ng Light Rail Transit Authority (LRTA) para sa mga pasaherong gumamit ng National ID kahapon, Agosto 13, 2025. Ito ay bilang suporta sa layunin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagsulong mapalawak ang paggamit ng National ID bilang pangunahing pagkakakilanlan upang mapabilis, mapalawak, at mapabuti ang pag-access sa mga serbisyong pampubliko.
Magpapatuloy ang libreng sakay sa susunod na Miyerkules.
