Abiso sa Publiko – Libreng sakay hatid ng DOTR, MRT2, LRT1 at LRT2.

Kasunod ng suspensyon ng klase dahil sa inaasahang malakas na pag-ulan sa ilang lugar sa Metro Manila, iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na magpatupad ng libreng sakay sa MRT-3, LRT-1, at LRT-2, simula 12:00 ng tanghali ngayong araw, August 22, 2025.

Prayoridad ng Department of Transportation (DOTr) ang kaligtasan ng lahat ng mga pasahero at tiyaking mabilis at ligtas silang makakauwi sa kanilang mga tahanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *