Umabot sa 16,488 na pasahero ang nakinabang sa Libreng Sakay na handog ng Light Rail Transit Authority (LRTA) para sa mga gumamit ng kanilang Philippine National ID kahapon, Agosto 27, 2025.
Ang inisyatibong ito ay bahagi ng pakikiisa ng LRTA sa layunin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na palawakin ang paggamit ng National ID bilang pangunahing pagkakakilanlan ng bawat Pilipino. Isinusulong nito na mapadali ang mga transaksyon, mapalawak ang accessibility, at higit sa lahat, mapabuti ang pag access ng iba’t ibang serbisyong pampubliko.
“Sa programang ito, hindi lamang nakapagbigay ng dagdag na kaginhawaan ang LRTA sa mga mananakay, kundi naging mahalagang hakbang din ito upang mapalakas ang tiwala at suporta ng publiko sa paggamit ng National ID,” ayon kay LRTA Administrator Hernando Cabrera.
