Natapos na ang paglalagay ng canopy sa Antipolo Station na proteksyon at ginhawa para sa mga pasahero ng LRT-2 ngayong tag-ulan.
Taos-pusong pasasalamat mula sa Light Rail Transit Authority (LRTA) sa mabilis at maayos na pagtutulungan ng LRTA Engineering Department at Maintenance Team para maisakatuparan ang proyektong ito.
Patuloy ang aming pangako na maghatid ng ligtas, maayos, at maaasahang serbisyo para sa lahat ng mananakay.
