Kapag Alerto, Iwas Peligro

Ngayong araw Setyembre 11, 2025, muling nakiisa ang Light Rail Transit Authority (LRTA) sa 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) na isinagawa sa ganap na 4:00 PM.

Bilang bahagi ng pagsasanay, maayos na isinagawa ng mga kawani ang “𝙙𝙪𝙘𝙠, 𝙘𝙤𝙫𝙚𝙧, 𝙖𝙣𝙙 𝙝𝙤𝙡𝙙” at agad na nagtungo sa parking area na itinalagang evacuation area, alinsunod sa ligtas at epektibong pamamaraan ng paglikas.

Layunin ng ganitong mga pagsasanay na subukin ang kahandaan ng LRTA sa gitna ng mga sakuna at matiyak ang kaligtasan ng mga empleyado at pasahero.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *