LRTA, Kinilala ng Philippine Commission on Women dahil sa paninindigan sa gender equality.

Isang malaking karangalan para sa Light Rail Transit Authority (LRTA) ang pagkilala mula sa Philippine Commission on Women (PCW) bilang isa sa mga ahensiya na nagpakita ng natatanging malasakit at pagpapatupad ng Gender and Development (GAD) Budget para sa taong 2024.

Sa isinagawang pagkilala noong Setyembre 25, 2025, iginawad sa LRTA ang Certificate of Recognition para sa patuloy na pagsusulong ng gender equality commitments at inclusive governance sa pamamagitan ng mga programa at serbisyong nakatuon hindi lamang sa mga pasahero, kundi maging sa mga empleyado.

Kabilang sa mga ibinigay na pagkilala ang pagiging ika-10 sa lahat ng GOCCs (Government-Owned and Controlled Corporations) na may pinakamataas na client-focused GAD Budget Expenditure.

“Mananatiling committed ang LRTA sa pagsasakatuparan ng mga programang nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay, respeto, at pag-unlad ng bawat isa,” ayon kay LRTA Administrator Hernando Cabrera.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *