Foot Patrol Activity with the LRTA Administrator Atty. Hernando T. Cabrera.

Noong Oktubre 28, 2025, nagsagawa ng foot patrol ang mga personnel mula sa Tracks Team at Power Catenary Team ng Light Rail Transit Authority (LRTA), kasama mismo si LRTA Administrator Hernando Cabrera.

Layunin ng aktibidad na ito na suriin ang kondisyon ng mga power cable at rail track, pati na rin ang mga paligid ng viaduct tulad ng mga puno at mga gusaling nakatayo sa kahabaan nito.

Mula sa Reversing Tracks ng Recto, kanilang sinuri at tinahak ang ruta mula Recto Station hanggang Pureza Station.

Ang foot patrol ay isinasagawa habang may liwanag ng araw upang mas malinaw na makita at matukoy ang anumang isyu na maaaring magdulot ng pagkaantala o aberya sa operasyon.

“Ang kaligtasan ng ating mga pasahero ang ating pangunahing prayoridad. Salamat sa ating Tracks at Power Catenary Teams sa kanilang walang sawang pagtutok sa kaligtasan ng ating mga pasahero,” ayon kay LRTA Administrator Cabrera.

Ang aktibidad na ito ay isang pre-emptive at pro-active na hakbang ng LRTA upang matiyak ang tuloy-tuloy at ligtas ang biyahe ng mga pasahero ng LRT Line 2.

watch the clip here —> https://www.facebook.com/share/r/1Bh3TkjiEm/