Libreng Sakay

Umabot sa 71,627 ang bilang ng mga pasaherong nakinabang sa libreng sakay ng LRT Line 2 kahapon, November 10, 2025.

Ito’y bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez na magbigay ng libreng sakay para masigurong ligtas at komportable ang biyahe ng mga pasahero sa gitna ng pananalasa ng bagyong Uwan.

Samantala, magpapatuloy pa rin ngayong araw ang libreng sakay LRT-2.

Ingat sa biyahe!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *