Naging espesyal ang Flag-Lowering Ceremony ng Light Rail Transit Authority (LRTA) dahil sa special treat na inihanda ng LRTA Employees’ Association at Special Events Committee para sa mga kawani ngayong hapon ng Nobyembre 14, 2025.
Kasabay sa pagdiriwang ng National Childrenโs Month, nagtipon-tipon ang mga kawani para sa isang ice cream treat na isang munting paalala ng saya at ligaya ng pagkabata.
Patuloy pa rin ang #BlueKadaBiyernesCampaign, kung saan nagsusuot ng asul ang mga kawani tuwing Biyernes bilang suporta sa advocacy na nagtataguyod ng proteksyon at kapakanan ng mga bata.





