Matagumpay na naisagawa ang Construction Performance Evaluation System (CPES) Accreditation Training para sa mga Government Constructorsโ Performance Evaluators (CPEs) noong Nobyembre 25โ27, 2025 sa LRTA Line 2 Depot.
Sumailalim ang mga participant sa lectures, case study, at isang ocular inspection bilang bahagi ng practicum session. Dumalo rin sina LRTA Administrator Hernando T. Cabrera at Mr. Raymond C. Vazquez ng LRTA Bids and Awards Committee (BAC) bilang suporta sa pagpapaunlad ng skills at kapasidad ng ating technical personnel.
Mahalaga ang training na ito bilang requirement para sa CPE accreditation upang masiguro na may tamang kaalaman at kasanayan ang mga government personnel sa pag-evaluate ng performance ng construction contractors. Ang accreditation ay ibinibigay ng Construction Industry Authority of the Philippines โ Philippine Domestic Construction Board (CIAP-PDCB).
Patuloy na pinapaunlad ng LRTA ang kakayahan ng mga kawani upang matiyak na maayos at ligtas na naisasagawa ang mga proyektong imprastraktura para sa publiko.






