Mula sa Light Rail Transit Authority (LRTA), maligayang Araw ng mga Puso sa ating lahat!
Ngayong espesyal na araw, nakasama natin si BenTren Araneta–Center Cubao Station para maghatid ng kilig at saya sa inyong biyahe.
Naghandog din ng munting harana sina LRTA Deputy Administrator Paul Chua, JC Galvez, Roberto Sandol, Jen Silverio, at Shaira Dela Peña para mas maging puno ng pagmamahalan at mas masaya ang inyong Valentine’s commute.
Bukod pa rito, namahagi rin ang LRTA ng mga crochet flowers para sa mga pasahero, kasama ang Dental B at Glutamax na namigay rin ng mga toothbrush at soap.





