Bilang ng mga pamilyang nag-avail ng PAMILYA Pass 1+3 Promo, mas tumaas.
Sa ikalawang linggo ng pagpapatupad ng Pamilya Pass 1+3 Promo, umabot na sa 4,057 ang bilang ng mga pamilyang nakinabang sa promo sa LRT Line 2, habang nasa 8,127 naman ang Pamilya Pass Coupons na naipamahagi.
Ang Pamilya Pass 1+3 Promo ay inilunsad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang magbigay ng mas abot-kayang pamasahe at mas magkaroon pa ng ‘quality time’ ang bawat pamilyang Pilipino.
Mas mataas ito kumpara sa noong June 1, kung saan 722 pamilya ang nag-avail ng Pamilya Pass at 1,667 ang nabigyan ng Pamilya Pass Coupons.
Ang Pamilya Pass 1+3 Promo ay magpapatuloy tuwing Linggo hanggang Hunyo 2028.



