Bumisita si Light Rail Transit Authority (LRTA) Administrator Atty. Hernando T. Cabrera ngayong umaga, Abril 18, 2025, sa Monumento Station ng LRT Line 1 upang inspeksyunin ang isinasagawang rail replacement na pinangungunahan ng Light Rail Manila Corporation (LRMC).
“Pinapalitan na natin ang mga lumang riles dito sa LRT Line 1 upang masiguro ang tuloy-tuloy na biyahe ng mga tren, maiwasan ang aberya, at mas maging maayos ang karanasan ng ating mga commuters.” Ayon kay LRTA Administrator Cabrera.
Inaasahang matatapos ang paglalatag ng bagong riles sa nasabing istasyon sa darating na Linggo.




