Sabay-sabay na kumikilos ang PCSO, MMDA, at LRTA sa ilalim ng Aid Caravan ngayong Oktubre 5, isang patunay ng bayanihan at malasakit para sa mga kababayang nasa Cebu at Masbate.
Habang patuloy ang biyahe ng mga bus, truck, at wing vans na may dalang mga gamot at relief goods, nananatiling buhay ang diwa ng pagtutulungan sa gitna ng sakuna.
Makiisa tayong lahat sa ating mga kababayan sa Cebu at Masbate sa pagdarasal, sa pagbibigay, at sa pakikiramay. Sa panahon ng pagsubok, sama-sama nating pinapatunayan na ang bayanihan ay buhay na buhay.



