Umabot sa 85,231 na pasahero ang nag-avail ng LIBRENG SAKAY kahapon, Disyembre 10, 2025, bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng International Human Rights Day.
Ang libreng sakay ay nagsimula ng 7:00 hanggang 9:00 ng umaga at 5:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi.
Ito ay bahagi ng suporta ng Light Rail Transit Authority sa Commission on Human Rights of the Philippines upang kilalanin at itaguyod ang kahalagahan ng karapatang pantao para sa bawat Pilipino.
Isang LIGTAS at MAGINHAWANG biyahe para sa mga Pilipinong #PasaHero ng LRT-2.


