Libreng Sakay para sa Volunteers at Workforce ng FIFA FUTSAL WOMEN’S WORLD CUP 2025

Umabot sa 190 volunteers at tournament workforce ng FIFA Futsal Women’s World Cup 2025 ang nakapag-avail ng libreng sakay sa LRT Line 2 Simula Nobyembre 15-26. Alinsunod ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang suporta sa pagdaraos ng FIFA Futsal Women’s World Cup 2025.

Magpapatuloy ang libreng sakay hanggang Disyembre 7, 2025. Ipakita lamang ang valid FIFA accreditation pass sa security personnel sa istasyon upang ma-avail ang libreng sakay.

Gaganapin ang FIFA Futsal Women’s World Cup 2025 mula Nobyembre 21 hanggang Disyembre 7, 2025, kung saan ang Pilipinas ang host nation ng tournament na ito. 16 na koponan mula sa iba’t ibang bansa ang maglalaban-laban para sa unang kampeonato ng paligsahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *