LRT Line 2 CY2025 Fare Discount

Para sa buong 𝟐𝟎𝟐𝟓, umabot sa 𝟖,𝟏𝟎𝟕,𝟔𝟒𝟎 ang kabuuang bilang ng mga 𝐞𝐬𝐭𝐮𝐝𝐲𝐚𝐧𝐭𝐞, 𝐬𝐞𝐧𝐢𝐨𝐫 𝐜𝐢𝐭𝐢𝐳𝐞𝐧, 𝐚𝐭 𝐩𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧𝐬 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐝𝐢𝐬𝐚𝐛𝐢𝐥𝐢𝐭𝐢𝐞𝐬 (𝐏𝐖𝐃𝐬) na nakinabang sa 𝟓𝟎% 𝐟𝐚𝐫𝐞 𝐝𝐢𝐬𝐜𝐨𝐮𝐧𝐭 sa LRT Line 2.

𝐁𝐫𝐞𝐚𝐤𝐝𝐨𝐰𝐧 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐛𝐞𝐧𝐞𝐩𝐢𝐬𝐲𝐚𝐫𝐲𝐨:
Students: 6,088,704
Senior Citizens: 1,298,148
PWD: 720,788

Nagsimulang ipatupad ang diskwento sa mga estudyante noong Hunyo, samantala noong Hulyo ng nakaraang taon naman sinimulan ang diskwento sa senior citizen at PWDs.

Ang inisyatibong ito ay alinsunod sa kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na magbigay ng 𝐥𝐢𝐠𝐭𝐚𝐬, 𝐚𝐛𝐨𝐭-𝐤𝐚𝐲𝐚, 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐚𝐚𝐬𝐚𝐡𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐮𝐦𝐩𝐮𝐛𝐥𝐢𝐤𝐨𝐧𝐠 𝐭𝐫𝐚𝐧𝐬𝐩𝐨𝐫𝐭𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧, habang isinusulong ang kapakanan ng mga sektor na nangangailangan ng espesyal na diskwento at tulong sa pamasahe.

Patuloy naman na hinihikayat ng 𝐋𝐢𝐠𝐡𝐭 𝐑𝐚𝐢𝐥 𝐓𝐫𝐚𝐧𝐬𝐢𝐭 𝐀𝐮𝐭𝐡𝐨𝐫𝐢𝐭𝐲 (𝐋𝐑𝐓𝐀) ang mga estudyante, senior citizen, at PWDs na mag-apply at gumamit ng concessionary card para makatipid sa pamasahe at magkaroon ng hassle-free na biyahe.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *