LRT Line 2 Depot Tower Lighting Replacement

Mas maliwanag na ngayon ang stabling area ng LRT Line 2 Depot matapos palitan ang mga tower lighting fixtures ng LED lights.

Kabuuang 60 tower lights ang in-upgrade upang matiyak ang sapat at pantay na liwanag sa buong stabling area.

Dati, gumagamit ang LRTA ng mga conventional halogen bulb para sa tower lighting sa depot. Subalit ang mga ito ay may mas mataas na konsumo sa kuryente at mas madalas kailangang palitan dahil sa mas maikling lifespan.

Sa paggamit ng LED lighting, mas tumagal ang buhay ng mga ilaw at nabawasan ang konsumo ng kuryente, na nagresulta sa mas mababang maintenance cost at mas mataas na energy efficiency.

Inaasahang makatutulong ang naturang upgrade sa pagpapataas ng produktibidad at sa mas ligtas at episyenteng pagsasagawa ng mga maintenance activity, lalo na sa mga operasyong isinasagawa tuwing gabi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *