Bilang bahagi ng regular at patuloy na proactive maintenance measures ng Light Rail Transit Authority (LRTA), ang foot patrol na isinasagawa ng Tracks Team at Power Catenary Team ay kabilang sa kanilang pang-araw-araw na gawain sa mainline.
Isinasagawa ang foot patrol sa liwanag ng araw upang mas malinaw na maobserbahan at agad matukoy ang anumang posibleng problema sa rail tracks, power cables, at sa paligid ng viaduct na maaaring makaapekto sa operasyon ng tren.
“Maraming salamat sa ating Tracks Team at Power Catenary Team sa kanilang dedikasyon. Ang kaligtasan ng ating mga pasahero ay nananatiling pangunahing prayoridad ng LRTA,” ayon kay LRTA Administrator Cabrera.
Layunin nitong mapanatili ang maayos at ligtas na biyahe para sa mga pasahero ng LRT Line 2.


