Ngayong araw, Oktubre 4, 2025, tulong-tulong ang mga kawani ng Light Rail Transit Authority (LRTA) at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa repacking ng relief goods para sa gaganaping Aid Caravan bukas para sa ating mga kababayang nasalanta ng lindol sa Cebu at Bagyong Opong sa Masbate.
“Lubos na pasasalamat sa lahat ng nag-volunteer. Ang inyong dedikasyon at malasakit ay inspirasyon sa ating lahat,” ayon kay LRTA Administrator Hernando Cabrera.
Nawa’y magsilbing gabay at lakas ang aming panalangin para sa lahat ng naapektuhan ng lindol.





