Nakatanggap ng parangal ang Light Rail Transit Authority (LRTA) mula sa Council for the Welfare of Children (CWC) bilang pagkilala sa mahalagang ambag nito sa pagdiriwang ng 33rd National Children’s Month na ginanap noong Nobyembre 26, 2025. Iginawad ang parangal para sa mga inisyatibong ipinatupad ng LRTA upang pangalagaan ang kaligtasan at karapatan ng mga kabataan.
Ang buwan ng Nobyembre ay nakalaan upang itampok ang kahalagahan ng pagkilala sa karapatan ng bawat bata upang sila ay mapakinggan, maprotektahan, at mapangalagaan. Kaugnay nito, nagsagawa din ang LRTA ng iba’t ibang child-focused programs tulad ng libreng sakay para sa kabataan, paglalagay ng informational materials sa lahat ng LRT-2 stations, pakikilahok ng mga kawani sa #BlueKadaFridayCampaign.
Nagpatupad din ang LRTA ng isang comprehensive policy na nagtataguyod ng child protection protocols, kabilang ang zero tolerance for child abuse at mandatory child protection training para sa lahat ng personnel. Ang mga programang ito ay pinangungunahan ng Committee on Protection, Safety and Welfare of Children na pinamumunuan ni Division Manager Ma. Rosella O. Hugo.
Binigyang-diin ni LRTA Administrator Cabrera ang patuloy na pangako ng ahensya na mapanatili ang isang ligtas, inklusibo, at child-friendly na environment.



