Mobile Blood Donation Drive at LRT Line 2 Marikina-Pasig Station

Nagsagawa ang Light Rail Transit Authority (LRTA), katuwang ang Philippine Red Cross – Marikina Chapter, ng Mobile Blood Donation Drive sa LRT-2 Marikina–Pasig Station noong Enero 21, 2026.

Isinagawa ang aktibidad mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-3:30 ng hapon na dinaluhan ng mga pasahero at kawani ng LRT-2.

Layunin ng bloodletting activity na makatulong sa pagdaragdag ng suplay ng dugo na kinakailangan ng mga ospital at medical facilities sa buong bansa. Sa pamamagitan ng pagdaraos nito sa loob ng istasyon, nagbigay ang LRTA ng pagkakataon para sa mga pasahero at empleyado ng LRT-2 na makibahagi sa isang adbokasiyang nagliligtas ng buhay.

Personal namang binisita at sinaksihan ni LRTA Administrator Hernando T. Cabrera ang Mobile Blood Donation Drive.

“Mahalaga at strategic ang pagsasagawa ng bloodletting activity sa LRT Line 2 dahil maraming pasahero ang gumagamit ng ating train system na nais tumulong at mag-donate ng dugo,” saad ni Atty. Cabrera.

Ang isinagawang bloodletting activity ay patunay ng patuloy na malasakit ng LRTA sa mga programa para sa kapakanan ng sambayanang Pilipino. Hinihikayat ng LRTA ang publiko na patuloy na suportahan ang boluntaryong pagdo-donate ng dugo bilang isang simple ngunit makabuluhang paraan ng pagliligtas ng buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *