Nag-𝗰ommπ˜‚π˜π—² si Admin mula LRTA Line 2 Depot patungong Line 1 Pasay Depot.

Noong Nobyembre 5, muling nag-𝗰ommπ˜‚π˜π—² si Admin mula LRTA Line 2 Depot patungong Line 1 Pasay Depot.

Umalis siya mula sa kanyang opisina sa LRT Line 2 Santolan Depot at naglakad papuntang LRT2 Santolan Station upang sumakay ng tren patungong Araneta Center–Cubao Station. Mula roon, naglakad naman siya patungong MRT-3 Cubao Station upang ipagpatuloy ang biyahe. Sumakay siya ng tren mula MRT3 Cubao Station patungong Taft Station, at pagbaba niya ay sumakay naman siya ng tricycle sa EDSA upang makarating sa LRTLine 1 Pasay Depot sa may Aurora Boulevard, Tramo, Pasay City.

Alinsunod pa rin sa direktiba ni DOTr Acting Secretary Giovanni Lopez na hikayatin ang mga opisyal sa transport sector na sumakay ng pampublikong transportasyon.

Ang pagsuporta ni Administrator Cabrera sa direktibang ito ay patunay ng kanyang dedikasyon na mas maunawaan ang sitwasyon ng mga komyuter at malaman ang mga kailangang baguhin sa operasyon sa LRT Line 2 upang mas mapabuti ang serbisyo sa publiko.

watch the clip here —> https://www.facebook.com/share/v/17PzxQL4sj/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *