Kahapon, October 12, 2025, pumalo sa 15,480 ang kabuuang bilang ng Pamilya Pass coupons na naipamahagi ng LRT Line 2 — mas maraming pamilya at barkada na naman ang nag-enjoy sa sulit na gala at sakay!
Sa promo na ito, isang bayad lang, apat na agad ang makakasama sa biyahe. Walang hassle, walang dagdag gastos — sakay na agad sa saya!
Patuloy ang mainit na suporta ng publiko. Talagang kapag abot-kaya at sulit ang serbisyo, hindi na kailangang kumbinsihin pa.
Tuloy-tuloy ang mas abot-kayang biyahe para sa bawat pamilyang Pilipino!



