Noong Oktubre 19, 2025, umabot sa 11,892 Pamilya Pass coupons ang naipamahagi sa mga pasahero ng LRT Line 2!
Higit pa sa pinansyal na benepisyo, layunin ng Pamilya Pass na hikayatin ang bawat pamilya na maglaan ng quality time tuwing Linggo.
Kaya kung Linggo at gusto niyong mag-bonding kasama ang buong pamilya, i-avail na ang Pamilya Pass Promo at gawing sulit ang bawat biyahe at bawat Linggo!





