Ngayong huling araw ng Annual Maintenance Activities, bilang pasasalamat sa lahat ng mga kawani ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na nagtrabaho ngayong Semana Santa, naghanda ang LRTA ng tanghalian upang pagsaluhan ng lahat.
Nagpaabot din ng pasasalamat si LRTA Administrator Atty. Hernando Cabrera sa lahat ng masisipag na kawani na naging bahagi ng matagumpay na maintenance activities.
“Ito ay munting pasasalamat para sa inyong dedikasyon at serbisyo na kahit sa kabila ng matinding init, pagod, at puyat ang inyong pagtupad sa tungkulin ay tunay na kahanga-hanga at hindi matatawaran,” ayon kay Administrator Cabrera.
Samantala, naghahanda na ang LRTA para sa muling pagbabalik ng operasyon sa darating na Lunes, Abril 21, 2025.




