Ngayong Disyembre 30, 2025 ginugunita natin ang kabayanihan at dakilang sakripisyo ni Dr. Jose Rizal, na nag-alay ng talino at buhay para sa kalayaan at dangal ng sambayanang Pilipino.
Mabuhay ang alaala ni Gat Jose Rizal!
Umabot sa humigit-kumulang 31,377 pasahero ang nabigyan ng libreng sakay ng LRT Line 2, December 30, 2025, bilang pakikiisa sa paggunita ng Rizal Day—isang araw ng pag-alala sa kabayanihan, sakripisyo, at diwang makabayan ni Dr. Jose Rizal.
Ang libreng sakay ay simbolo ng pasasalamat at pagkilala sa kanyang naging ambag sa kalayaan at pagkakakilanlan ng sambayanang Pilipino.
Isang LIGTAS at MAGINHAWANG biyahe para sa mga PasaHero ng LRT Line 2!


