Trick or Treat sa LRT Line 2 Depot.

Masayang isinagawa ang 𝗧𝗥𝗜𝗖𝗞 𝗢𝗥 𝗧𝗥𝗘𝗔𝗧 activity kahapon, Oktubre 29, 2025, sa LRTA Line 2 Depot na pinangunahan ng 𝐋𝐑𝐓𝐀 𝐄𝐦𝐩𝐥𝐨𝐲𝐞𝐞𝐬 𝐀𝐬𝐬𝐨𝐜𝐢𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 (𝐋𝐑𝐓𝐄𝐀) katuwang ang 𝐋𝐑𝐓𝐀 𝐒𝐩𝐞𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐄𝐯𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐢𝐭𝐭𝐞𝐞.

Nagtipon ang mga kawani kasama ang kanilang mga anak upang ipakita ang kani-kanilang malikhain at nakakatuwang costumes mula sa cute na superheroes, fairy princesses, spooky characters, hanggang sa mga nakakatawang outfits na nagbigay saya sa lahat.

Nag-ikot ang mga bata sa iba’t ibang opisina sa loob ng depot, kung saan sila ay binigyan ng candies, goodies, at big smiles mula sa LRTA family.

Pinangunahan naman ni LRTA Administrator Cabrera ang pasasalamat sa mga taong nag-organisa at naging bahagi ng matagumpay na aktibidad, partikular kina Mr. Del Dela Torre, LRTEA President, at Engr. Lie Reyes, Chairperson ng LRTA Special Events Committee.

Layunin ng aktibidad na itaguyod ang family-friendly workplace environment at magbigay daan para sa mas masayang interaksyon sa pagitan ng mga kawani at kanilang pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *