𝐊𝐀𝐈𝐒𝐀 𝐀𝐍𝐆 𝐋𝐑𝐓𝐀 𝐒𝐀 𝟏𝟖-𝐃𝐀𝐘 𝐂𝐀𝐌𝐏𝐀𝐈𝐆𝐍 𝐓𝐎 𝐄𝐍𝐃 𝐕𝐈𝐎𝐋𝐄𝐍𝐂𝐄 𝐀𝐆𝐀𝐈𝐍𝐒𝐓 𝐖𝐎𝐌𝐄𝐍

Bilang pakikiisa sa 18-Day Campaign to End Violence Against Women mula Nobyembre 25 hanggang Disyembre 12, 2025, ang Gender and Development (GAD) Committee ng Light Rail Transit Authority (LRTA), sa pangunguna ni GAD Champion at LRTA Administrator Hernando Cabrera at GAD-FPS TWG Chairman Atty. Patrick Henry Villanueva, ay namahagi ng mga personalized 3-in-1 pen, orange pouch/wallet, whistle, at flashlight sa mga pasahero sa Antipolo Station, Disyembre 3, 2025.

Patuloy na pinagtitibay ng LRTA ang pangako nitong isulong ang mga programa at inisyatibong naglalayong protektahan at itaguyod ang kaligtasan, karapatan, at kapakanan ng kababaihan sa loob ng mga istasyon at sa mga komunidad na pinaglilingkuran nito.

Ang pamamahagi ng mga advocacy items ay isasagawa rin ngayong araw sa iba pang istasyon kabilang ang Cubao, Marikina, Recto, Legarda, at Santolan. Sa pamamagitan ng GAD Committee, nananatiling katuwang ang LRTA ng pamahalaan sa pagpapalaganap ng kamalayan at pagsusulong ng mga hakbang upang tuluyang mawakasan ang karahasan laban sa kababaihan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *