Pinangunahan nina PCSO General Manager Melquiades Robles at LRTA Administrator Hernando Cabrera ang inspeksyon ng mga bagong Automated External Defibrillator units sa mga istasyon ng LRT Line 2, ngayong araw, Disyembre 2, 2025.
Ang LRT Line 2 ang kauna-unahang rail line sa bansa na may kumpletong AED equipment sa mga tren at istasyon.
Ang mga AED na ito ay donasyon mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) bilang bahagi ng Memorandum of Agreement na nilagdaan noong Setyembre 2024.
Nagkaroon din ng simulation exercise para sa paggamit ng mga AED na isinagawa ng mga trained response personnel ng LRT Line 2.
Sa tulong nito, mas mapapalakas ang kakayahan ng LRT Line 2 na makatugon sa mga emergency medical situations at masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero.
watch the clip here —> https://www.facebook.com/share/r/1JqCb93kD6/
LRTA Administrator Interview —> https://www.facebook.com/reel/1867828773814540






