Malulusog at bagong palit ang mga halaman na nagbibigay ng presko at komportableng paglalakad para sa mga pasahero sa connecting bridge ng LRT Line 2 Recto Station at LRT Line 1 Doroteo Jose Station.
Ang mga ito ay regular na inaalagaan at pinapalitan mula sa garden ng LRTA Depot upang mapanatili ang maaliwalas at kaaya-ayang kapaligiran para sa araw-araw na biyahe.
Pinangungunahan ang pangangalaga ng mga halaman ng General Services Division (GSD) sa ilalim ng pamumuno ni GSD Manager Pepito Aranzaso, katuwang ang mga kawani na patuloy na nagsisikap upang mas mapaganda ang mga pasilidad at ang paglalakad ng bawat pasahero.
Patuloy ang pangako ng LRTA na maghatid ng hindi lamang ligtas na transportasyon, kundi pati na rin ng isang komportable, at kaaya-ayang kapaligiran para sa mga pasahero.





