Compliance to Republic Act (RA) 9003 o Solid Waste Management Act.

Kaisa ang Light Rail Transit Authority (LRTA) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pagpapatupad ng Republic Act (RA) 9003 o Solid Waste Management Act.

Sa pangunguna ng General Services Division sa ilalim ng pangangasiwa ni GSD Manager Pepito Aranzaso, aktibong isinasagawa ng LRTA ang pagbabawas ng basura at pagre-recycle ng mga materyales mula sa trackworks.

Muling binibigyang-buhay ang mga ginamit na walkway materials ng Revenue Line 2 sa pamamagitan ng paggamit nito bilang perimeter fence sa Line 2 Depot.

Bukod dito, ang mga bote ng softdrinks ay ginagawang mga lalagyan ng halaman bilang suporta sa Greening Program ng pamahalaan.

Sa simpleng hakbang ng muling paggamit, nababawasan ang basura at natitipid ang pondo ng bayan, patunay na ang โ€œperang natitipid ay perang kinikita.โ€

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *