Narito ang mapa ng libreng parking area sa LRT Line 2 Legarda Station para guided at convenient ang inyong biyahe!
Ang libreng parking na handog ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ay para sa mga pasahero ng LRT Line 2 na nais makatipid sa gasolina at maiwasan ang mabigat na daloy ng trapiko.
Ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isulong ang paggamit ng pampublikong transportasyon, gawing mas episyente ang pagbiyahe ng mga commuters, at hikayatin ang mga motorista na sumakay ng tren upang makatipid sa gasolina at iba pang gastusin sa araw-araw.

