Mula nang ilunsad noong Enero 16, 2025, nasa kabuaang 782 empleyado at kanilang pamilya na ang napaglingkuran ng LRTA Dental Clinic, sa pangunguna nina Dr. Quirino M. Dela Rosa Jr., at Dental Aide Vilma A. Jalayajay.
Sa pamamagitan ng LRTA Dental Clinic, naibibigay ang libreng konsultasyon, cleaning, pasta, at bunot ng ngipin.
Ang LRTA Dental Clinic ay itinatag ng Pamunuan ng LRTA sa pakikipag-ugnayan sa LRT Employees Association (LRT-EA) na sumasalamin sa matibay na paninindigan ng ahensya sa kalusugan, kapakanan, at pagiging produktibo ng mga empleyado.
Sa pamamagitan ng paglalapit ng serbisyong ito sa mga empleyado, nababawasan ang kanilang pagliban sa trabaho, napapagaan ang kanilang gastusing medikal, at nahihikayat ang kultura ng maagap na pangangalaga sa sarili.
Ang LRTA Dental Clinic ay higit pa sa isang pasilidad—isa itong serbisyong may ngiti na sumusuporta sa mas malusog, mas kumpiyansa, at mas produktibong workforce.




