Kaisa ang Light Rail Transit Authority (LRTA) sa kampanya ng Department of Health (DOH) sa pagpapalaganap ng tamang impormasyon tungkol sa HIV at tuberculosis (TB). Magagamit na ang mga nakadisenyong Single Journey Tickets (SJT) at Stored Value Cards (SVC) na naglalaman ng mahahalagang paalala at impormasyon tungkol sa HIV at TB upang mas mailapit sa mga pasahero ang wastong kaalaman.
Layunin nito:
- Magbigay ng accessible na health information
- Bawasan ang diskriminasyon at maling paniniwala
- Patatagin ang inter-agency collaboration para sa public health advocacy
Ayon kay LRTA Administrator Cabrera, βSuportado namin ang mga inisyatibong pinangungunahan ng DOH hindi lang para sa ligtas na biyahe, pero para rin sa paghahatid ng mahahalagang mensaheng pangkalusugan.β
Sa tulong ng kampanyang ito, sama-sama nating palawakin ang kaalaman at malasakit para sa kalusugan ng bawat isa.







