Pagpapatibay ng Kahandaan sa Lindol

agpamalas ng mataas na antas ng kahandaan ang mga kawani ng Light Rail Transit Authority (LRTA) sa isinagawang 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) sa Line 2 Depot, Santolan, Pasig City ngayong Hunyo 18.

Agad na isinagawa ng mga empleyado ang “Duck, Cover, and Hold” bilang pangunahing hakbang sa kaligtasan tuwing lindol.

Layunin ng earthquake drill na subukin at palakasin ang kahandaan ng bawat kawani sa pagtugon sa sakuna, pagpapalakas ng koordinasyon ng bawat yunit sa oras ng emergency, at pagtiyak sa kaligtasan ng mga kawani at libu-libong pasaherong araw-araw na sumasakay sa tren.

Manatiling alerto. Maging handa. Dapat #LRTAlert sa Lindol!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *