Pinangunahan ni Light Rail Transit Authority (LRTA) Administrator Hernando Cabrera ang inspeksyon sa unang araw ng Holy Week Annual Maintenance Works ngayong umaga, ika-2 ng Abril 2026.
Kabilang sa mga isinuri ang pagpapalit ng contact wire ng Overhead Catenary System (OCS) sa pagitan ng Legarda Station at V.Mapa Station.
Kabilang din sa isinasagawang maintenance activities ang preventive maintenance ng rolling stock, signalling, tracks, catenary, power supply at iba pang kagamitan at pasilidad sa mga istasyon ng LRT Line 2 System.







